Tuesday, May 22, 2007

"Ungol" of Siegfried Barros

CAST OF CHARACTERS and PEG ACTORS

BUBOY, 18-20, (AJ Eigenmann) one of the youngest fishpen boys. Starts out as weak but gets his confidence and strength when he falls in love with the fishpen boss’s new wife.
MARRA, 18-20, (Avi Siwa) the deaf-mute new wife of Felipe. Naïve, weak, and helpless. Forced to marry Felipe to pay her parents debt but feels unhappy and yucky with her husband. Longs to be physically and sexually free.
FELIPE, 50s, (Soliman Cruz) a literally and figuratively dirty old man who is also the boss of the fishpen boys. Crooked teeth, seldom takes a bath, smelly. Bully. Mahilig magmura at mag-dirty finger. Retired corrupt engineer sa Manila.
RASHEM, 20s, (Jao Mapa) siga at pasimuno ng katarantaduhan sa mga fishpen boys. Mainitin ang ulo at laging pinag-iinitan si Buboy. Respected.
CHONA, 20s, (Cassandra Ponti) beteranong prostitute ng isang club sa barrio na makakaalis sa club para magtrabaho sa Maynila. Madaldal. Ma-chika. Babalik na animo’y may dalang pangako at katuparan sa lahat.
GIGI, 50s, (Cherry Pie Picache/ Tethie Agbayani) Mama-san of the barrio’s brothel house. Everything to her has a price.
KALOY, 30s-40s (Dan Serrano), mata ni Felipe sa mga fishpen boys. Sipsip. Acts tough pero closet homosexual.
TIKBOY, 18-20, (Nani Naguit) Buboy’s confidante sa fishpen. Also the group’s comic relief.
BAGETS, 18-20 (still casting) isa sa mga bata sa fishpen. Probinsyano. Clean-looking.
OMPONG,20s (Ronald Tupas) tahimik na kasamahan sa fishpen. Anak ng isa sa mga mangingisda sa palibot ng fishpen.
MIDEO, 40s-50s (Biboy Cunanan) malaking tao na “prized trophy”ni Felipe dahil siya ang nakabulag dito at nakapagpatigil ng kahambugan.
CHAIRMAN, 30s-40s (Joel Torre) paranoid na barangay chairman. Ex-military. Ego-tripper. May kakaibang quirkiness. Parang Beetlejuice ang actions.
OLGA, 40s-50s (Raul Morit) bakla na naghahanap ng mga babae sa probinsya.
ANYING, 16-18 (Janna Angeles) sintu-sinto na dalaga who has secret feelings for Buboy. Anak ni Chairman.
KA BADONG, 40s (Raul Morit) tatay ni Ompong. Mangingisda.
PALPALATOC, 30s (Frank Corona) tauhan ni Chairman. Tahimik pero mabagsik.
2-3 Fishpen Boys, 18-20s, mga kasamahan nina Buboy.
4-5 Bar Girls, 18-20s, mga serbidora sa cheap club ni Gigi
.

SCENE 1. OPENING CREDITS. EXT. FISHPEN. EARLY MORNING.
FAÇADE of the fishpens before the dawn breaks. We see silhouettes of bamboo stills and small huts around. We will also hear dogs barking and going around the fishpens. They are awake early in the morning. They seem to have notice that there are some activities going around at the nearby fishpen. The dogs are barking and howling.

As credits roll, we will see some young boys who are guarding the fishpens, moving in a very busy mood. They seem to be running against time as they are doing these things. We can only see their silhouettes in the dark as the sun is still on its way to rise. They seem to be loading some fishes in a small boat. One of the boys, RASHEM, 20s, the leader of the group, is commanding his fellow-fishpen boys in the dark in whispers as he rides the banca.

RASHEM
Bilisan niyo nang mabenta agad natin ‘to!

The guys will double their efforts. BAGETS guards KALOY who is soundly asleep, snoring. Kaloy is the trusted man of the fishpen’s boss, FELIPE. The boys successfully load in some fishes in their boat. RASHEM and one of the other boys, TIKBOY, start paddling their banca. They quietly move away from their fishpen and off to shore.

They get a surprise when after just a few feet of paddling, they bump into another boat. Before RASHEM could see who is manning the banca they just bumped into, he is hit in the face by a cane and he loses consciousness.

BLACK SCREEN.

END OF OPENING CREDITS.

SCENE 2. EXT. FISHPEN. DAY.
AS the image fades in, we will see a de-focused image of FELIPE’s two middle fingers on the screen. He is already cursing the fishpen boys. Fiery. Malutong ang mga mura nito.

FELIPE
Putang-ina! Puki ng ina niyo talaga!

FOCUS in. Extreme close up shots of two dirty finger signs fill the screen. They belong to FELIPE, 50s, the bully, smelly, stinky, dirty (think of Billy Bob Thornton in Oliver Stone’s “U Turn”) head of a large fishpen in the middle of Taal Lake in Batangas.

FELIPE is mad at the young boys who are guarding the fishpens for him. He just found out that the boys are secretly selling some of the fishes in the pen to the locals at very low prices.

FELIPE
Ako pa ang gagaguhin niyo mga putang-ina niyo! Akala niyo hindi ko kayo mahuhuli, ‘no?

The group in front of him are silent. They all look guilty of the accusation against them. They are made up of 6-8 young boys, age between 16-20s. Beside FELIPE is BUBOY, 16-18, the youngest of the fishpen boys. Apparently, it was he who squealed the boys to FELIPE dahil mapapansin rin na may umaagos na kaunting dugo sa bandang leeg niya. RASHEM, on the other hand, holds his head where blood is oozing out from it. KALOY stands in front of them, trying to put a tough stance while a gun is tucked in his waistline.


FELIPE
Magbalut-balot na kayo! Puki ng ina niyo! Ayoko nang makita mga pagmumukha niyo dito!

These young boys have made the fishpens their home away from home. They were brought here as early as nine years old by their parents to learn life at the fishpens. The boys are sometimes payment by their parents to fishpen owners for the debts they owe them.

Among the boys are TIKBOY, 18-20, the funny guy; OMPONG, 18-20, the quiet one; BAGETS, 18-20, the clean-looking; and RASHEM, 20s, the hot-headed “leader” of the group.

FELIPE
Pinagawa ko kayo ng salambaw at patanga para may makain kayo, niraket niyo pa, mga putang-ina niyo!

FELIPE’s litany on the boys will only be stopped when a banca being paddled by GIGI, 40s-50s, an aging prostitute passes their way. Mapapatingin si FELIPE sa dalagang nakasakay sa banca with GIGI, si MARRA, 18-20, a deaf-mute girl.

FELIPE is somewhat smitten at the new girl that GIGI has brought to their barrio. We’ll notice that from being a wolf, FELIPE becomes as tame as a sheep when the banca passes by. BUBOY looks at MARA’s direction, same with the other boys.

GIGI
(May hinihithit na sigarilyo)
Mukhang maagang nasira ang umaga mo, Felipe, a. Kalma ka lang. Mga bata ang mga ‘yan.

FELIPE
Tinutubuan na ng bulbol ang mga sungay ng mga ‘yan. Hindi na bata. Makakagawa na ng mga bata.

GIGI
Paano sila makakagawa ng bata e laging nandito na lang sa baklad ang mga ‘yan? Paminsan-minsan isama mo naman sa amin nang makatikim ng ibang “isda”.

Medyo mapapangisi ang iba sa mga lalaking kanina lang ay takut na takot kay FELIPE. Matitigil lang sila nang tingnan ulit sila ng masama ni FELIPE. FELIPE looks at MARRA’s direction at ingunguso ito kay GIGI.

FELIPE
Mukhang may huli kang bago?

GIGI
Pamangkin ni Mideo. Bayad-utang. Kahit pipi at bingi, pwedeng puhunan.

The banca will traverse the lake away from them. There is stillness between FELIPE and the group as they all look at the direction of the banca.

FELIPE
(Prepares to leave)
Kaloy, ikaw na muna ang bahala sa mga putang-inang ‘to. Pagbalik ko, ihanda mo ang betlog ng mga ‘yan at ipapakain ko sa mga maliputo. (Takes out a knife na nakapaloob ang design sa baston niya) Chaka bilhan mo ako ng mayo-nes (mayonnaise) mamaya sa bayan. Ubos na na naman ‘yung lalagyan.

FELIPE gets his cane and rides his banca. Ompong follows and starts the motor.

SCENE 3. EXT. FISHPEN. DAY.
A few minutes after, while BUBOY is busy playing with one of the fishpens’ dogs, MUNING, RASHEM approaches him. RASHEM pushes him and starts a fight. Kukuwelyuhan nito si BUBOY.

RASHEM
Putang-ina mo, Buboy! Sipsip ka! Di ba usapan walang sumbungan? Parang hindi ka nakikinabang, a!

BUBOY
(Meekly shows a wound on his neck) Itinutok na sa akin ni Kuya Felipe ‘yung tusok niya. Akala ko tutuluyan na niya ako. Kahit ikaw siguro nasa sitwasyon ko kakanta ka. ‘Chaka , isa pa, hindi ako ang nagsumbong sa kanya. ‘Yung mga Ilonggo diyan sa kabila.

Rashem looks at the baklad sa tapat nila at makikita na nakangiting nakatingin sa kanila ang dalawang lalaki doon.

RASHEM
Tang-ina, mula ngayon, kanya-kanya na tayo dito, ha!

Matitigil lamang si Rashem nang biglang sumulpot si KALOY.

KALOY
Rashem! Buboy! Itigil niyo na ‘yan! Baka gusto niyong lalong malintikan!

Hahatakin ni KALOY si BUBOY palayo kay RASHEM. Babanggain ni RASHEM ang balikat ni BUBOY pagdaan nito sa harapan niya.

SCENE 4. EXT./ INT. CHEAP CLUB. DAY.
ESTABLISHING SHOT ng maliit at cheap na club. May nakalagay na sign: “BOATMAN’S BEERHOUSE”. GIGI leads MARRA inside the club. Mapapansing gising ang mga babae sa club at may mga pinagkakaabalahan. Paalis na kasi ang dating star dancer ng club, si CHONA, 20s, habang naghihintay sa isang tabi ang baklang si OLGA, 40s, na magdadala dito sa Maynila. CHONA looks at MARRA at pipintahan ang dalaga mula ulo hanggang paa.

CHONA
Pwede… pwede… Konting banlaw lang ‘to, matotomboy na ako.
(To Marra)
Malas mo, paalis na ako. Hindi ko na maituturo sa iyo ang mga kislot at kembot na nagpapalaglag ng mga salawal at datung ng mga lalaki dito.

Mapapansin ni Chona na hindi sumasasagot si MARRA.

CHONA
Hoy! Bingi ka ba?

Tatapikin ni GIGI si CHONA at isesenyas dito na pipi at bingi ang dalaga. Tatawa si CHONA.

CHONA
Pucha! Ate Gigi! Ano ba? Pipili lang kayo ng ipapalit sa akin, ganito pa? Siguraduhin niyo lang na kahit ganyan ‘yan ay kaya niyang gamitin ang bibig niya sa ibang paraan. Kung hindi, lugi ka.

From afar, we hear the voice of MIDEO, 50s, asawa ni GIGI na malaki ang katawan pero bulag ang dalawang mata at may pilat na pahaba sa bahaging ito ng kanyang mukha. Mukhang sugat na galing sa lanseta.

MIDEO
(Mahinahon)
Gigi? Gigi? Andyan na ba kayo? Andyan na ba si Marra?

Hindi papansinin ni Gigi si Mideo at sa halip ay haharap kay OLGA na nakalabas ang palad niya.

OLGA
Ijinukjok ko na sa bulsa ng asawa mo ang balance, Tita. Paano? Lalakad na kami ni at naghihintay na sa Maynila ‘yung kontak ko na ipapaasawa kay Chona.
(To Chona)
Chona! Halika na! Mag-babu ka na!

Magpapaalam ang ibang mga babae sa club ke CHONA. Tatawa-tawa lang sa kanila si CHONA.

CHONA
Huwag kayong mag-alala. Ipapahanap ko din kayo sa enter-net ng mapapangasawa dito kay Olga. Di ba, Tita Olgs?

OLGA
Aba, sure na sure, planggana.

Ngingisi lamang si GIGI dahil parang alam na niya ang kababagsakan ni CHONA. Galing na siya doon pero ayaw niyang ipaalam sa dalaga.

Lalapit siya kay MIDEO at kukunin sa bulsa nito ang iniwang pera ni OLGA. Bibilangin niya ito at isusuksok sa bra.

GIGI
O, andito na ‘yung pamangkin mo. Pandagdag-kita…

Lalapit si MARRA sa harapan ng tiyuhin niya. Ipaparamdam nito na nandoon siya sa harapan ng tiyuhin. Lilingon palayo si MIDEO na para bang nahihiya sa mangyayari sa pamangkin niya. Kukunin siya ni GIGI at dadalhin sa loob ng isang kuwarto. May halong pagmamakawa ang mukha ni MARRA na lalayo sa harapan ng tiyuhin niya.

SCENE 5. EXT. CHEAP CLUB/ ROAD. DAY.
Dadaan ang tricycle na sinasakyan nina CHONA at OLGA sa tapat ni RASHEM. Basang-basa si Rashem. Mukhang nilangoy ang lawa makita lamang si Chona. May halong sakit para kay RASHEM ang makitang paalis na si CHONA pero wala siyang magawa. Hinihintay niyang lumingon sa kanya ang dalaga pero ang tanging paglitaw ng mukha nito ay nang dumura palabas ng tricycle.

SCENE 6. MONTAGE. EXT. FISHPEN/ UNDERWATER. DAY.
Tuloy ang grupo sa kanilang mga trabaho sa fishpen while awaiting FELIPE’s judgment on them. Ang iba sa kanila, habang nagpapakain sa mga isda, ay kinakabahan dahil malamang ay huling araw na nga nila.

We also cut to the dogs na nakatira sa mga fishpen. Mapapansin natin na ang buhay ng mga asong ito ay walang ipinagkaiba sa buhay ng mga batang nagbabantay ng fishpens sa lugar na ‘yun.

Mapapansin naman ang paglalaro ni BUBOY kay MUNING. Establish ang bonding ng bata at ng aso. Sa isang tabi ay naggigitara si TIKBOY. Gumagawa sila ng kanta na isinulat ni OMPONG sa isang pirasong papel na luma. Medyo masaya ang ginigitara niya, taliwas sa nararamdaman niya. Pinapasaya niya lang ang sarili at ang mga kasama dahil alam niyang pare-pareho silang kinakabahan. (MUSIC)

Mamaya ay tatawagin sila ni KALOY para pasisirin at ayusin ang lambat sa ilalim ng fishpen.

KALOY
Maraming isda sa labas ng dalawang baklad. Sisirin niyo baka may butas!

Isa-isa silang maghuhubaran ng damit at lalangoy sa ilalim. Ang iba’y naka-brief lang habang ang iba’y hubo’t hubad ang katawan. Lahat magtatalunan. Medyo sina BAGETS at BUBOY lang ang nag-aalangan.

CUT TO:
SCENE 6B. EXT. UNDERWATER. DAY.
UNDERWATER. Mapapansin ang mga lalaki sa ilalim at ang kanilang kahubdan. Wala silang mga muwang. Ito na ang kanilang nakasanayan.

CUT BACK TO:
SCENE 6C. EXT. FISHPEN. DAY.
Mapapansin ni KALOY si BAGETS at si BUBOY.

KALOY
Hoy! Kayong dalawa! Samahan niyo sila! Huwag kayong tatanga-tanga! Hubad! Hubad!

DISSOLVE TO:
SCENE 7. INT. KUWARTO. CHEAP CLUB. NIGHT.
Ang boses ni KALOY na nag-uutos kina BUBOY at BAGETS na maghubad ay magdi-dissolve sa eksenang ito kung saan pinaghuhubad naman ni GIGI si MARRA para pagmasdan ang katawan ng dalaga.

GIGI
(Isinesenyas kay Marra ang ipapagawa)
Hubad! Ano pa’ng tinatanga-tanga mo diyan? Hubad na!

Nahihiya pa si MARRA na tanggalin ang damit sa harapan ni GIGI. Pero parang wala na itong kuwenta kay GIGI at pagmamasdan ng walang emosyon ang katawan ni MARRA habang itinatabig ang mga kamay nito na nakataklob sa katawan niya. May takot naman at kaba sa mata ni MARRA.

Ibibigay ni GIGI ang isang gunting sa dalaga para sabihin ditong gupitan ang pubic hair niya.

GIGI
(Isesenyas ang gunting)
Gupitan mo. Masyadong mahaba. Hindi mabebenta kung parang balbas ni Osama. Kakapitan lagi ng panghi. May mga customer na madaling masuka.

Medyo hindi sila magkaintindihan o parang ayaw lang intindihin ni Marra ang ipinapagawa.

GIGI
Naknamputa! Pipi at bingi na, tanga pa!

Lalapit si GIGI at siya na muna ang maggugupit sa pubic hair ng dalaga at ipapakita ang ibig nitong sabihin. Medyo iiwas si Marra pero magagawa rin ni Gigi na gupitan ito. Hawak-hawak pa ni GIGI ang pubic hair ni MARRA sa kamay niya at aamuyin ito. Aamuyin din niya ang dalaga.

GIGI
(Isesenyas ulit)
Maligo ka. Ka-amoy mo na rin ‘yung kambing ni Osama.

Bibigyan niya pa ito ng isang sachet na tawas.

GIGI
(Sesenyas ng sign language na mali-mali)
Diyan ka maligo sa may lawa. Magandang pampatanggal ‘yan ng lansa.

Lalabas lamang si GIGI sa kuwarto nang marinig ang boses ni FELIPE sa labas.

FELIPE
(Off-cam)
Gigi?! Gigi?!

SCENE 8. INT. CHEAP CLUB. NIGHT.
Lalabas si Gigi at makikita si Felipe na nasa harapan ni MIDEO at mukhang inaasar pa ang asawa niya dahil hindi siya nito nakikita. Naglalagay ito ng dirty fingers sa mukha ni MIDEO pero hindi siya nito nakikita. Hahatakin ni Gigi si Felipe palayo kay MIDEO.

GIGI
(Natatawa)
Ikaw talaga! Ano’ng sadya?

Lilingon si Felipe at parang hinahanap si Marra.

FELIPE
Magkano ba utang sa inyo ng pamilya ng tilapia?

GIGI
Tilapia?

FELIPE
‘Yung bago niyong isda. Alam mo namang hindi ako mahilig sa bangus na mestisa.

GIGI
Maliit lang naman pero hindi ko ipinagbebenta.

FELIPE
Dodoblehin ko. Triple pa kung gusto mo.

GIGI
Kakakita mo lang kanina, kinakati ka na.

FELIPE
Nakita ko na rin ‘yang bata nung may project ako dati sa San Victoria. Ga-santol pa lang ang dibdib niyan dati, me dating na. Animal ang tama.

GIGI
(Magbibiro)
Ako? Ayaw mo ba?

FELIPE
(Sarcastically smiles)
Masyado ka nang beterana. Kasya na diyan pati paa. ‘Yung bago mo, kahit paa ata ng daga hindi pa kayang magkasya.

GIGI
Pabayaan mo namang pagkakitaan ko muna. Tamang-tama, kakaalis lang nung paborito mong serbidora.

FELIPE
‘Tang-ina! Bilhin ko na. Wala na akong interes diyan kapag marami nang pumila. Ayoko naman ng tira-tira. Isa pa, hindi na ako bumabata. Mukhang kailangan ko na rin ng… alam mo na.

GIGI
Ipaalam mo sa tiyuhin niya.
(Ingunguso ang direksyon ni MIDEO)

FELIPE
(Ngingisi) Ipapaalam ko pa ba? (Pulls out a knife sa baston niya na nakatago pala doon as part of the cane’s design) Baka gusto niyang puki ng inang asawa mo dagdagan ko ‘yung hiwa niya sa mukha. Pababa naman para kumpletong krus na.

CUT TO:
We cut to MIDEO who seems to be not hearing the discussion.

CUT TO:
SCENE 9. EXT. LAKESIDE/ UNDERWATER. NIGHT.
MARRA is wading in the lake, taking a quick dip to cool herself off. She seems to be trying to enjoy her last few days, maybe hours, of innocence. She seems to know where she’s headed to.

She is floating in the water looking at the stars above when she feels that a banca is getting near her direction. She decides to submerge in the lake as the banca passes by.

CUT TO:
The banca is being paddled by KALOY, BAGETS, and BUBOY. As the banca passes by her, BUBOY seems to have seen the image of MARRA in the water. He trains his flashlight in the lake. The flashlight won’t light at first but when it does and he flashes the light at the lake, MARRA is gone.

CUT BACK TO:
SCENE 10A. INT. CHEAP CLUB. NIGHT.
GIGI and FELIPE are still talking.

FELIPE
Kamusta na? Ginugulpi ka pa ba ng putang-ina?

GIGI
Sa ginawa mo ba naman sa kanya, magugulpi pa ako ng kalabaw na ‘yan? Buti nga pinatira ko pa dito at naawa pa ako dahil sa mga bata.

FELIPE
Hay, naku! Martir ka talaga! Ayoko ng nadedehado ka. Kahit paano meron din tayong pinagsamahan.

GIGI
Buti nga sa kanya. Akala niya lahat dito kaya niya. Nakahanap din siya ng katapat niya.

FELIPE
Gaganito-ganito lang ako pero kilala mo ako. Nakikipagsabayan ako ng kagat kahit sa ulol na aso.

CUT TO:
SCENE 10B. EXT. CHEAP CLUB. NIGHT.
KALOY, BAGETS, and BUBOY enter the club looking for FELIPE.

CUT BACK TO:
SCENE 10C. INT. CHEAP CLUB. NIGHT.
Pagpasok ng tatlo, some of the girls will flirt with BUBOY pero iwas dito ang binata. We will see also that KALOY is quite protective of BAGETS mula sa mga dalaga. Ingunguso ni GIGI kay FELIPE ang direksyon nina KALOY, BAGETS, at BUBOY. Makikita sila ng mga ito at lalapit kay FELIPE.

FELIPE
Ano? Naka-impake na ba kayo?

KALOY
Hihingi sana sa iyo ng paumanhin itong mga bata, Felipe.

BAGETS
(Tries to make use of his boyish charm. Si BUBOY naman walang reaksyon)
Ako na po ang humihingi ng dispensa sa ginawa ng buong grupo, Kuya Felipe.

FELIPE
At sa tingin mo, bakit ko naman kayo patatawarin mga tang-ina niyo?

GIGI
(Sisingit)
Malaki-laking pera din ang magagastos mo sa binibili mo, Felipe. Malapit na mag-anihan ng isda. Kung ngayon ka pa magpapakawala ng mga tauhan mo, mahihirapan ka nang makahanap ng kapalit ng mga ‘to.

Sasabat pa sana si FELIPE sa tinuran ni GIGI but he suddenly sees MARRA going inside the club na basang-basa pa mula sa pagkakaligo sa lawa. Maglalaway si FELIPE. Titingin si GIGI sa kanya ng pailalim na nakangiti.

GIGI
(Smiling)
Ibabalot ko pa ba o papapakin mo na?

SCENE 11. EXT. FISHPEN. DAY.
Slice of life sa fishpens. Nagsisimula na naman ang bagong umaga. Nagpapakain ng mga isda ang mga tao sa fish cages nang dumating ang banca ni FELIPE. Kasama na nito si MARRA. Proud na proud si FELIPE sa bagong tropeo niya na ihaharap sa mga bata. Mapapansin namang hiyang-hiya at may halong napipilitan lamang ang mukha ni MARRA. Sipsip agad si KALOY sa amo niya.

KALOY
Yeba, Bossing, ha! Panalo ka talaga!

Titigil ang mga bata sa ginagawa nila at mapapatingin sa direksyon nina FELIPE. Pagtuntong sa fishpens ay wala sa sariling masisilayan ang bahagi ng dibdib ni MARRA. Manlalaki ang mata ni TIKBOY. Ang iba naman ay hindi nagpapahalata. Wala si BUBOY sa grupo. Nasa ilalim ng lawa kasi siya.

FELIPE
Mga tripulante, si Marra, asawa ko. Mula sa araw na ito, gusto kong ibigay niyo sa kanya lahat ng paggalang na ibinibigay niyo sa akin. Ang sinumang mahuli kong bumabastos sa kanya, (Pauses) ipiprito ko ang mga betlog sa kumukulong mantika. (Turns to Kaloy) Kaloy, ihanda mo kami ng mahihigaan ng aking asawa. Alam mo na, pulot-gata.

KALOY
Yeba, Bossing! Yeba! (Turns to Bagets and Ompong) Bagets! Ompong! Kunin niyo ang mga gamit niyo sa kubo niyo at gagamitin nina Bossing mamaya! Bagets, dun ka muna sa kubo ko mahiga. Ikaw, Ompong, kina Buboy at Tikboy ka!

The boys will follow the orders.

CUT TO:
SCENE 12. EXT. UNDERWATER. DAY.
Nag-aayos si BUBOY ng baklad sa ilalim ng lawa. Walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa ibabaw ng baklad.

CUT BACK TO:
SCENE 13. INT. MALAKING KUBO. FISHPEN. DAY.
May pagka-marahas na huhubaran ni FELIPE si MARRA. Takut na takot ang dalaga. Napipilitan lang talaga. Sabik na sabik si FELIPE at kahit nakatalikod pa ang dalaga ay papatungan na niya ito at dadahasin.

FELIPE
Buka! ‘Tang-ina ka! ‘Tang-ina ka, buka!

Hindi ungol ang mamumutawi sa bibig ng dalaga kundi mga tunog ng pagmamakaawa. Parang asong ulol naman si FELIPE sa ginagawa niya.

FELIPE
Aaah… Aaah… ‘Tang-inaaaahhhh!!!

CUT BACK TO:
SCENE 14. EXT. UNDERWATER. DAY.
VISUAL GIMMICK. Nasa ilalim si BUBOY ng tubig nang masulyapan niya na parang may imahe sa ulunan niya. Sisilipin niya ito at makikita niya ang imahe ni MARRA na parang nagmamakaawa ang mukha sa kanya na tulungan siya. For visual purposes, we’ll see a three shot of the three characters in one frame.

CUT TO:
Mukha ni MARRA na nagmamakaawa at parang nakikita rin ang mukha ni BUBOY sa ilalim ng lawa.

SCENE 15. INT./ EXT. FISHPEN. EATING AREA. DAY.
Nakahanda na ang mga inihaw na isda ni KALOY para sa amo niya at maging ang sinigang na bangus. Lalabas si FELIPE sa kubo dala-dala si MARRA na may halong yabang sa pagkakaakbay at angkla ng kamay nito sa dalaga. Sesenyas ng thumbs up sign si Kaloy sa amo niya. Isusubo naman ni FELIPE ang thumb niya at gagamitin itong paputok sa maduming bunganga sabay taas ng thumbs up sign din sa sipsip na tauhan niya. Ngingiti si KALOY.

KALOY
Lupit talaga! Yeba!

Uupo si FELIPE at MARRA sa harapan ng mga bata. Nahihiya ang mga bata sa kilos nila dahil na rin may atraso pa sila kay FELIPE. Sa di-kalayuan ay kumakain si BUBOY kasama sina TIKBOY at OMPONG. Panaka-nakang tumitingin si BUBOY sa direksyon ni MARRA pero di ito makatingin sa kanya dahil siguro nahihiya.

FELIPE
Lahat kayo pupunta kay Chairman mamaya. May pipirmahan kayo para hindi na maulit ang kalokohan ninyo dito. Pasalamat kayo nasa magandang mood ako. Pero oras na mahuli ko ulit kayo, may paglalagyan na kayo.

Makikita ni FELIPE ang asong si MUNING at kakargahin ang aso na para bang sabik na sabik siyang makita.

FELIPE
Muning! Antaba-taba mo na, Muning!

Kukuha ng kaunting mayonnaise si FELIPE sa mesa at papadilaan it okay MUNING na gustong-gusto naman ng aso. Isasawsaw naman ni FELIPE ang isang piraso ng isda niya sa mayonnaise. Paborito niyang lagyan ng mayonnaise ang pagkain niya.

SCENE 16. INT. BARANGAY CHAIRMAN’S OFFICE. DAY.
Papasok ang mga fishpen boys kasama si Kaloy sa office ni CHAIRMAN MARKUS GONZALEZ na isang luma at worn-out na kubo. Maabutan nila ang isang bangkay ng isang lalaki. Kumakain pa ng malaking isda si Chairman at parang di nasusuka sa nangangamoy na bangkay sa kanyang harapan. Sinusubuan ni Chairman ng isda ang anak na sintu-sinto (may ADHD) na si ANYING.

Nasa isang tabi si PALPALATOC, bataaan ni Chairman, na may nakaumbok na baril sa gilid. Nakangisi lang ito. Sa isang tabi ay nakatayo si ANYING, sintu-sintong anak na dalaga ni Chairman na parang nahihiya nang makita si BUBOY.

Mapapatingin ang mga tripulante sa bangkay. May isang matandang babae na uimiiyak sa tabi at isang anak niya.

OMPONG
(Pabulong)
Putsa…

RASHEM
Kilala mo ba?

OMPONG
(Tries to look away para di magpahalata na kilala niya)
Bumibisita ke Tatay…

Titingin si Kaloy kay Chairman na parang tinatanong kung ano’ng nangyari.

CHAIRMAN
(Waklang emosyon na parang walang kwenta ang bangkay)
Nakuha sa lawa. Nalunod ata.

KALOY
(Looks at the body and sees na may tama sa ulo ng bala)
Chairman, may tama ng bala.

CHAIRMAN
Baka komunista ang puta. Nung isang buwan may nadale rin na ganyan sa kabila.
(Looks at Palpalatoc)
Palpalatoc! Ilabas mo nga ‘yan at nangangamoy na!

Palpalatoc follows and takes the body out.

CHAIRMAN
(Tatayo and looks at the tripulantes)
Eto na ba ‘yung mga sinasabi ni Engineer sa ‘kin na nagtatago at nagbebenta ng isda?
(Iisa-isahing hahawakan sa mukha ang mga tripulante. Nag-eego trip lang ito. Sa lahat, si Ompong ang medyo papalag)
Puta! Pagtatanga-tanga ka talaga, uubusin ka ng mga ganitong klaseng patay-gutom na tao! (Looks at the fishpen boys) Buti pinatawad pa kayo.

KALOY
Pasalamat sila sa bagong asawa ni Bossing. Napalamig ang ulo.

CHAIRMAN
Swerte niyo. Balita ko, ‘yung dating tripulante na gumago ke Engineer, nilagyan niya ng batuhan sa paa at ibinato sa gitna ng lawa. Di na nakita. Kaya siguro matataba at malalasa ang mga isdang nahuhuli sa lawa.
(Susubo ng malaking kurot ng isda)

Titingin si Ompong kay Chairman. Titingin ito sa kanya.

SCENE 17A. INT. KUBO NINA BUBOY. NIGHT.
Nasa loob ng kubo nila sina BUBOY, OMPONG, at TIKBOY. Nasa gitna si BUBOY. Tinitingnan nila ang mga litrato ng mga ginupit na litrato na galing sa mga lumang magazine at diyaryo ng mga babaeng artista at model. Hindi natin halata sa simula pero nagja-jakol ang tatlo, hawak ang kanilang mga alaga sa loob ng mga shorts nila.

TIKBOY
Ompong, Angel o Angelica?

OMPONG
Angel. Pilipinang-Pilipina.

TIKBOY
Ikaw, Buboy?

Hindi magsasalita si BUBOY. May ibang babae na iniisip.

TIKBOY
O, sige, eto, EB Babes o Sex Bomb?

OMPONG
‘Tang-ina. Kahit saan, panalo ka. Baka apat pa lang sa kanila, latang-lata ka na.

TIKBOY
Juday o Jolina?

OMPONG
‘Yan. Di ko pa nagagamit kahit sino sa kanila.

TIKBOY
Oreta o Gloria?

OMPONG
Putsa naman, Tikboy! Malapit na ako e. Balik na naman tuloy sa simula.

TIKBOY
(To Buboy)
Ikaw, Buboy? Kanina ka pa. Sino ba’ng ini-imagine mo ha?

OMPONG
(Pabiro)
Baka bakla.

BUBOY
(Mapipikon)
Hoy, ‘tang-ina niyo. Kahit magutom ako hindi ako papatol sa bakla.

TIKBOY
Para niloloko ka lang ni Ompong, pikon ka kaagad. E sino nga ba’ng ini-imagine mo ha?

Hindi makakasagot si Buboy dahil pare-pareho silang mabibigla nang marinig ang boses ni FELIPE na nagmumura.

FELIPE
(Off-screen)
Putang-ina! Putang-ama!

CUT TO:
SCENE 17B. EXT. KUBO NINA BUBOY. NIGHT.
Lalabas agad sina BUBOY. Makikita rin nilang palabas sa kubo nito si KALOY, nakahubad ang T-shirt at nagsusuot ng pantaloon habang tarantang hawak ang baril.

Agad silang haharangin ni KALOY at papapsukin sila sa kubo nila.

KALOY
Balik sa kubo niyo. Kung ayaw niyong mapagalitan ulit kayo ni Bossing.

Dahan-dahang magpapasukan sina BUBOY. Pero si BUBOY medyo hesitant pang pumasok sa kubo. Gustong malaman kung ano ang nangyari talaga.

SCENE 17C. INT. KUBO NINA BUBOY. NIGHT.
Sa isang butas sa kubo ay sisilip si Buboy at makikita na sa kalayuan ay lalabas sa kubo niya si Felipe na nagzi-zipper ng pantaloon at sasalubungin naman ni Kaloy. Mayhawak na bote ng mayonnaise si Felipe sa isang kamay.

FELIPE
Putang-ina! Kailangang turuan pa!

Sisilip si Kaloy sa loob ng kubo nina Felipe. Makikita niya si Marra.

SCENE 17D. INT./EXT. MALAKING KUBO. NIGHT.
Makikita natin si MARRA na nagsusuka. Parang diring-diri sa ginawa niya/ pinapagawa sa kanya.

SCENE 18A. EXT. FISHPEN. DAY.
Maagang nagising ang mga fishpen boys at nagtatrabaho na sila. May mga naliligo na sa isang tabi, nagsasabon ng mga katawan nila habang naka-brief na mumurahin lang. Kapag puno na ng sabon ang katawan ay tatalon sila sa lawa para magbanlaw ng katawan nila.

CUT TO:
SCENE 18B. EXT. KUBO NINA BUBOY. DAY.
Lalabas si Buboy sa kubo nila na bagong paligo at nag-aayos pa ng buhok niya. Makakasalubong niya ang asong si MUNING at tatawagin ito papunta sa kanya. Hahaplusin niya ang ulunan ni MUNING at mapapansin ang medyo nadikit na balahibo sa ulunan niya. Aamuyin niya pa.

BUBOY
Ambaho mo, Muning! Maligo ka na!

Mapapalingon siya sa direksyon ng kubo nina Felipe at mapapansing kahit sa malayo ay wala nang tao sa loob nito. Makikita siya ni KALOY at uutusan siya.

KALOY
Psst, ‘Boy! Tulungan mo sina Rashem kumuha ng patuka sa bodega.

Tatayo si BUBOY at bibitawan ang aso. Susunod siya sa ipinag-uutos.

SCENE 19. EXT. BANCA. DAY.
Makikita natin si BUBOY, RASHEM, TIKBOY at OMPONG na naglalakbay sa motorized na banca sa gitna ng lawa papunta sa pampang. Hindi pa rin nag-iimikan si BUBOY at si RASHEM. Tahimik naman si OMPONG habang nagpapatawa si TIKBOY na parang wala namang nakikinig sa kanya.

TIKBOY
…Palubog na ‘yung barko kaya tinanong nung kapitan sa mga tauhan niya, “Sino sa inyo ang marunong magdasal?” Kahit mamamatay na, nagyabang pa rin itong si Boy Hangin. Sabi niya, “Ako, Kapitan, marunong akong magdasal.” “Tamang-tama,” sabi ni Kapitan. “Kulang ng isa ang life vest natin. May magagawa ka habang naiwan ka.”

Tatawa ng malakas si Tikboy sa kalokohan niya pero walang pumapansin sa kanya. Si Rashem, ilulublob ang ulo niya sa lawa habang tumatakbo ang banca at babasain ang ulong hapung-hapo sa init ng araw.

SCENE 20. EXT. PAMPANG. DAY.
Dadaong ang banca nina BUBOY sa pampang. Makikita nila roon si ANYING na magpapa-cute kay BUBOY. Kahit na hindi sa kanya nakatingin ang mga mata.

ANYING
Hi, Buboy…

TIKBOY
(Lolokohin si Buboy)
Buboy, “Hi” daw.

BUBOY
Tumigil ka dyan, Tikboy.

Ayaw itong patulan ni BUBOY dahil alam nga niyang may diperensya sa utak ang dalaga. Lalakad sila palayo.

Sa di-kalayuan ay mapapasulyap naman si OMPONG kay CHAIRMAN at kay PALPALATOC na nakatayo sa tapat ng motorsiklo nito sa di-kalayuan. Masama ang tingin ni Chairman kay Ompong.

SCENE 21. INT. BODEGA NG FEEDS. DAY.
Maghahakot sina BUBOY, RASHEM, TIKBOY at OMPONG ng feeds sa bodega. Ikakarga nila ito sa banca. Medyo mapapagod sila.

RASHEM
(Magpaparinig)
Baka naman gusto ng isa diyan na kumuha ng tubig natin. Kung hindi nakakahiya sa kanya.

Kahit nagkasamaan ng loob ay susunod si BUBOY dahil na rin nauuhaw na siya. Kukunin niya ang dalawang bote ng 1.5 na softdrinks na lalagyan ng tubig nila.

SCENE 22. EXT. GRIPO AREA. BAHAY NI FELIPE. DAY.
Nakapuno na ng tubig sa dalawang 1.5 na bote ng softdrinks si Buboy. Itatapat niya ang ulo niya sa umaagos na tubig mula sa gripo at babasain ito para matanggal ang init na nararamdaman. Nang mabasa ang ulo ay iinom siya sa tubig na umaagos sa gripo gamit ang mga palad niya. Mabibigla siya dahil sa pag-inom niya ng tubig dito ay may isa pang pares ng palad na sumasalok din ng tubig para mainom --- si Marra. Magtatama ang kanilang mga mata na tanging ang umaagos na tubig sa gripo lamang ang naghihiwalay upang hindi magdikit ang mga labi nilang dalawa.

BUBOY
S-Sorry, Ma’am. Hindi ko po kayo nakita.

Mapapansin niyang hindi siya naririnig nito o makapagsalita man lang ng gusto. Tuloy sa pag-inom ang nauuhaw na si MARRA habang pinapanood na lang siya ni Buboy sa ginagawa.

May kaunting tubig na tutulo sa gilid ng bibig ni Marra at babagsak sa may bandang dibdib niya. Makikita ito ni BUBOY at may kung anong kuryente na mararamdaman siya sa katawan niya. Lalo pa nang punasan ito ni Marra.

Biglang may hahawak sa lalagyan ng tubig ni Buboy kung kaya mapapatigil siya sa pagtitig kay Marra. Si Felipe. Nakatayo na pala sa harapan nila. Kukunin nito ang isang 1.5 na container. Iinom siya dito. Tungga. Parang inom na sugapang-sugapa sa tubig. Lalagyan niya ulit at kukunin ang lalagyan.

FELIPE
Kumuha ka na lang ng ibang lalagyan. Dadalhin ko na ‘to.

He takes Marra back inside the house with the 1.5 on his hand. Titingnan lang sila ni Buboy.

SCENE 23. INT./ EXT. FISHPEN. EATING AREA. DAY.
Dapithapon. Slice of life muli sa fishpen. Makikita natin ang buhay muli nila sa panahon na tapos na ang lahat sa kanilang gawain. Naggigitara na naman si Tikboy at kumakanta. Masaya na ang kanta pero hindi na katulad nung una na may halong kaba. (MUSIC) Nagtatambol naman sa hita si Bagets. Tawanan sila habang pinagsasaluhan ang isang lapad. Kapansin-pansin na wala si RASHEM sa umpukan.

Sa di-kalayuan ay pagmamasdan ni OMPONG, habang nagbabalat ng mangga gamit ang paborito niyang lanseta, ang isang bangkang nasa di-kalayuan at lulan ang isang mangingisdang nahihirapan sa huli nito dahil kinuha na ng karamihan sa fishpens ang mga isda sa lawa. Ang mangingisdang ito ang kanyang ama, si KA BADONG. Masaya ang kantahan pero malungkot si OMPONG.

INTERCUT WITH:
SCENE 24. INT. KUWARTO SA BAHAY NI FELIPE. DAY.
Ang kantahan sa fishpen ay magtutuloy sa loob ng kuwarto ni Felipe kung saan ay nakapatong muli si FELIPE kay MARRA. Luhaan muli si MARRA at parang diring-diri sa nasa ibabaw niya. Titingin na lamang siya sa ilang mga naka-frame na pictures sa kuwarto ni FELIPE ng mga buildings at magagarang establishments sa Manila na pinapangarap ni MARRA na marating niya. Mga litrato ito ng establishments na ginawa ni Felipe nu’ng engineer pa siya. May mga katabi itong ilang diploma. Para kay Marra ay escape niya ito. Lugar na makakalaya siya. Ini-imagine niya na nandito siya sa mga lugar na ito.

No comments: